PAMASKONG BIYAYA NI SAN MARTIN

- Dec. 24, 2024 3:30 PM
Sa ikatlong taon ng pamamahagi ng Pamaskong Biyaya ni San Martin, kayo, mga kaparokya, ay muling naghatid ng saya sa ating mga kapatid na nangangailangan sa pamamagitan ng inyong Noche Buena Bags.
Ang pamamahaging ito ay naganap noong ika-24 ng Disyembre sa pangunguna ng Ministri ng Pagkalinga. Sa inyong kabutihang loob, tayo ay nakapagbigay ng Noche Buena bags sa 880 na indibidwal.
Tunay ngang ang panahong ito ay panahon ng pagbibigayan. Ibalik nawa ng Panginoon sa inyo at sa inyong pamilya ang biyayang ibinahagi niyo sa gawaing ito..