GABI NG MGA LINGKOD

- Nov. 03, 2024 6:30 PM
Nagtipon-tipon ang mga lingkod simbahan sa isang munting salo-salo pagkatapos ng Banal na Misa. Nagkaroon ng special performances ang iba't-ibang religious organizations sa pangunguna ng ating Music Ministry. Isang Barry Manilow Medley performance din ang binigay ng ating guest priest na si Reb. Pd. Percy Singco. Sa gabing ito, pinarangalan din ang ating yumaong kapatid na si Sis. Tess Maligaya bilang pagkilala sa natatangi niyang paglilingkod sa ating Parokya.
Isang taos pusong pasasalamat ang aming ipinahahatid sa lahat ng tumulong at nakiiisa upang maging matagumpay ang kapistahang ito. Dasal namin ang marami pang biyayang para sainyo. Muli, Happy Fiesta, mga kaparokya!.