PAANYAYA | PAMASKONG BIYAYA NI SAN MARTIN

- Dec. 14, 2024 6:40 PM
Sa diwa ng kapaskuhan, ating ipadama ang Pamaskong Biyaya ni San Martin sa ating mga kapatid na nangangailangan. Sa pangunguna ng Ministri ng Pagkalinga, atin pong muling gaganapin ang taunang pamamahagi ng Noche Buena Package na naglalaman ng mga sumusunod:
1 kg Spaghetti noodles. 1 kg spaghetti sauce. 1 can corned beef, 1 bar, cheddar cheese, 1 can of 800g fruit cocktail. 1 can condensed milk, 1 pouch all-purpose cream.
Maaari din pong cash ang ibahagi sa halagang Php450 para sa mga walang oras mamili. Ang mga Noche Buena Package Bags / cash ay iaalay tuwing offertory sa bawat misa ng simbang gabi/Misa de Gallo.
Ang malilikom na packages ay ipapamahagi sa ika-24 ng Disyembre.
Sa mga nais magbahagi o para sa katanungan, maaaring mag-message sa ating FB page o magtungo sa opisina ng Parokya.
.